PDEA, hinihintay na lamang ang basbas ni PRRD sa paglalabas ng narcolist

Manila, Philippines – Nag-aantay na lamang ng go signal ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula kay Pangulong Rodrigo Duterte kung ilalabas na ang narco list.

Ayon kay PDEA Director 3 Irish Calaguas, mula sa 97, bumaba na sa bilang na 83 ang narcolist matapos ang ilang serye ng palitan ng impormasyon ng mga intel agencies.

May mga panawagan kasi na mailabas na ang narcolist bago ang midterm elections.


Bagaman at aminado si Calaguas na walang gabay ang mga botante kung hindi dapat iboto ang mga pulitiko na protektor o direktang may kaugnayan laban sa illegal drugs kung hindi isasapubliko ang narcolist, nag-aantay na lamang sila ng tamang pagkakataon.

Bagama’t tumangging magbigay ng detalye, sinabi ni Calaguas na mga vice mayor pataas at ilang congressmen ang nasa narcolist.

Facebook Comments