Hinikayat ng Philippine Drug Enforcement Agencies (PDEA) si Vice President Leni Robredo na ilabas ang lahat ng kanyang nalalaman sa war on drugs.
Nabatid na magbibigay ng ulat sa bayan si Robredo sa Lunes, Dec. 16.
Ayon kay PDEA Director Gen. Aaron Aquino, mas naging epektibo sana ang report ni Robredo kung tinapos niya ang pakikipagpulong niya sa lahat ng Clusters ng ICAD.
Sa kabila nito, bukas pa rin ang ICAD sa anumang suhestyon ng Bise Presidente.
Katunayan, ang naunang rekomendasyon ni Robredo ay ibinahagi ng ICAD Chairman sa kanilang mga miyembro.
Facebook Comments