PDEA, hinimok ang publiko na isumbong ang anumang illegal drug activities

Himimok ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang publiko na isumbong ang anti-illegal drug activities sa pamamagitan ng kanilang hotlines at social media page.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang facebook page na “Isumbong Mo Kay Wilkins” ay binuo para sa mga informant at concerned citizen na nais tumulong sa pamahalaan sa paglaban sa ilegal na droga.

Ang mga impormasyong kanilang matatanggap ay malaki ang maitutulong sa pagsasagawa ng intelligence operations, maging sa casing at surveillance operations, na magreresulta sa pagkakaaresto ng mga high-value targeted personalities, at pagkumpiska ng malaking halaga ng ilegal na droga, at pagbuwag ng illegal drug facilities.


Maaaring ipadala ng publiko ang kanilang mga sumbong sa mga sumusunod na numero:

–        09953547020 (Globe Subscribers)

–        09310278212 (Smart at Sun Subscribers)

Tiniyak ng PDEA na magiging confidential ang mga impormasyon.

Facebook Comments