PDEA, ibinida ang kanilang mga accomplishments sa kanilang ika-15 na taong Anibersaryo

Manila, Philippines – Ibinida ng Philippine Drug Enforcement Agency ang kanilang mga accomplishment o nagawa sa kanilang ika-15 na taong Anibersaryo na may temang “War on Drugs Goes On”.

Ayon kay PDEA Director General Isidro Lapeña, simula nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang all out war Against drugs ay sunod-sunod nang nabubuwag ang mga malalaking sindikato ng droga sa bansa.

Dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng gobyerno ang anibersaryo ng PDEA na pinangungunahan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II bilang guest speaker, Defense Secretary Delfin Lorenzana at iba pang mga matataas na opisyal ng pamahalaan.


Giit ni Lapeña sa 57,892 na Anti-Drug Operations na isinagawa ng PDEA 73, 125 na drug personalities ang kanilang naaresto, mahigit 14 na bilyong piso na halaga ng mga kagamitan sa paggawa ng shabu ang kanilang winasak, 139 Drug dens ang kanilang sinira kung saan humigit kumulang apat na bilyong piso ng halaga ng marijuana ang kanilang nakumpiska at umaabot sa 35,274 na mga kaso na may kinalaman sa droga ang kanilang naisampa sa korte.
DZXL558

Facebook Comments