PDEA, ibinunyag na pulitiko ang “Drug Queen” na bumibili ng nasasabat na ilegal na droga mula sa Ninja Cops

2808

Ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang sinasabi nilang “Drug Queen” na bumibili ng ilegal na droga na nakukumpiska sa mga Law Enforcement Operations ay isang pulitiko.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang mga Ninja Cop na nagre-recycle ng ilegal na droga ay nagsisilbing protektor at supplier ng Drug Queen.


Dagdag pa ni Aquino, may kapatid itong pulis at malakas ang kanyang koneksyon sa gobyerno.

Idinadaan ng Drug Queen ang droga sa 17 distributor, kasama ang ilang Barangay Officials.

Aabot sa dalawa hanggang tatlong kilo ng droga ang nagagawang ma-i-distribute ng mga kada Linggo.

Sa kabila ng pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga, patuloy pa rin ang pag-recycle ng mga Ninja Cops sa ilegal na droga.

Facebook Comments

From Advertisers