PDEA, ikinalugod ang desisyon ng korte sa Baguio City na habambuhay na pagkabilanggo laban sa isang miyembro ng notoryus na drug syndicate

Pinuri ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hatol na habambuhay na pagkabilanggo ni Judge Lilybeth Sindayen-Libiran ng Regional Trial Court Branch 61 Baguio City laban kay Bertito Ilumin Ramirez, miyembro ng isang notoryus na drug group sa Baguio City at Benguet Province.

Pinasalamatan ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang hukom sa ipinakitang tapang na papanagutin ang mga sangkot sa iligal na gawain at matagumpay na pag-uusig ni Prosecutor Emmanuel Awisan ng Baguio City Prosecutors Office.

Bukod sa pagkakakulong, pinagmumulta rin si Ramirez ng ₱500,000 para sa paglabag ng Section 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at ₱300,000 para naman sa paglabag sa Section 11 ng parehong batas.


Naaresto si Ramirez noong Abril 28, 2021 sa isang entrapment operation sa kahabaan ng SLU-SVP Barangay sa Baguio City.

Facebook Comments