PDEA, inihayag na wala nang malalaking drug laboratory na namo-monitor sa bansa

Wala na umanong namo-monitor na malalaking laboratoryo ng illegal drugs sa bansa.

Ito ang ginawang pagtiyak ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Wilkins Villanueva.

Ayon kay Villanueva, lahat ng droga na nakukumpiska ng otoridad ay galing lahat sa labas ng bansa.


Ito aniya ang magkatuwang na tinututukan ng Philippine National Police (PNP) at ng Bureau of Customs (BOC) para mahinto na maipasok ang mga ito sa bansa.

Ani Villanueva, kailangang wasakin ang demand side dahil isa ito sa mga puslit na droga galing sa labas.

Sinira ngayong araw ng PDEA ang tone-toneladang assorted drug evidence na nagkakahalaga ng mahigit ₱13 billion.

Batay sa datos ng PDEA, mula July 1, 2016 hanggang May 31, 2020, nakapagsagawa ang PDEA ng 168,525 anti-drug operations na nagresulta sa pagkakahuli ng abot sa 245,145 drug suspects.

Mula 2016, nakakumpiska ang PDEA ng nasa ₱43.58 billion na halaga ng droga.

Sa nabanggit ding panahon ay nakatuklas ito ng 560 drug dens at drug laboratories.

Facebook Comments