PDEA, ipapaubaya sa korte ang implikasyon ng pagbawi ni Kerwin Espinosa sa kaniyang mga testimonya laban kay Senador Leila De Lima

Ipinauubaya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magiging desisyon ng mga kaukulang korte ang posibleng implikasyon ng naging pagbawi ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa sa lahat ng kaniyang mga alegasyon laban kay Sen. Leila de Lima.

Sa isang statement, sinabi ng PDEA na nagbigay na ng opinyon si Prosecutor General Benedicto Malcontento na naggigiit na walang epekto sa mga kaso ni De Lima ang naging retraction ni Espinosa.

Sinabi pa sa statement na bagama’t hindi kasama ang PDEA sa mga naghain ng mga kaso laban sa senador, suportado nito ang mga pagsisikap na maipalabas ang katotohanan at ang pag-uusig sa mga sangkot sa illegal drug trade.


Si De Lima ay iniuugnay noon ni Espinosa sa iligal na drug trade sa New Bilibid Prison.

Facebook Comments