PDEA , ipinagmalaki ang P80-M halaga ng mga kagamitan para sa war on drugs

Manila, Philippines – Ipinakita nh Philippine Drug Enforcement Agency ang nabili nitong mga bagong kagamitan na nagkakahalaga ng P80 million na gagamitin sa giyera laban sa droga.

Ito ay kinabibilangan ng 479 na piraso ng cal.45, magnum 44, 838 na bullet proof vest at tatctical protective shields.

Ang mga bullet proof sando vest ay gawa sa 100% na kevlar aramid ballistic fabric na hindi kumukupas kahit palagiang mabasa.


Ang mga protective shields ay natitiklop at akma sa pagpasok sa mga makikipot na lugar.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ipapamahagi ang mga bagong kagamitan sa mga PDEA agents na nakakalat sa ibat ibang rehiyon bilang bahagi ng pagpapalakas sa kapabilidad ng PDEA laban sa sindikato ng iligal na droga.

Facebook Comments