Manila, Philippines – Itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Authority na malilit na drug targets lamang ang napupuntirya sa war on drugs ng gobyerno.
Tugon ito ni PDEA Director General Aaron Aquino sa obserbasyon na wala pa ring nasasampolan na mga international drug syndicate sa giyera sa droga.
Ginawa ni Aquino ang pahayag kasunod ng pagkasabat ng PDEA at Bureau of Customs ng shabu, kush at ecstacy sa pantalan ng Clark Pampanga na nagkakahalaga ng 160 million.
Aniya, masyado lamang nakatutok ang mata sa ahensya dahi sunod sunod na ang pagkakabuking sa modus ng mga international syndicate.
Idinagdag ni Aquino na dapat maintindihan ng publiko na sa ilalim lamang ng administrasyong Duterte naging mas seryoso ang lahat ng law enforcement agency laban sa illegal drugs.
Sinabi pa ni Aquino na napakaraming high-value targets na ang nahuli sa mga high-impact operations ng PDEA
Sa katunayan aniya, noong 2018 ay natimbog ng ahensya ang abot sa 1,612 high-value targets nankinabibilangan ng mga miyembro ng foreign drug syndicates gayundin ang ilang mga tauhan ng gobyerno.