PDEA, maaaring humingi ng tulong sa iba pang tanggapan ng pamahalaan sa paglaban sa iligal na droga – Palasyo

Manila, Philippines – Inihayag ng palasyo ng Malacañang na maaari pa namang humingi ng tulong ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa iba pang tanggapan ng pamahalaan para tuparin ang kanilang mandato na labanan ang operasyon ng iligal na droga sa bansa.

Ito ay sa kabila ng naging pahayag ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na bahala na ang PDEA sa war on drugs at tututok nalamang sila sa iba pang kaso ng krimen sa bansa tulad ng mga riding in tandem.

Matatandaan na iniutos ni Pangulong Duterte sa lahat ng law enforcement agency na ipaubaya sa PDEA ang lahat ng operasyon at kampanya na may kaugnayan sa paglaban sa iligal na droga sa bansa.


Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, maaari namang humingi ng suporta ang PDEA sa ibat-ibang tanggapan ng pamahalan ay mayroon naman aniyang resources ang PDEA na maaari din nitong gamitin.
Hindi din naman masabi ni Abella kung maaari ding gamitin ng PDEA ang mga pulis para tumulong sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga.

Nabatid na hindi lalampas sa 2000 ang mga tauhan ng PDEA sa buong bansa at kabilang na dito ang kanilang mga agents na siyang nagsasagawa ng mga operasyon.

Facebook Comments