Manila, Philippines – Mag fo-focus na lamang sa panghuhuli ng high value targets ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sakaling ibalik ng Pangulong Duterte ang war on drugs sa Philippine National Police (PNP), ito ang sinabi ni Dir. Derrick Carreon, tagapagsalita ng PDEA.
Ayon kay Carreon, bagamat wala pa silang natatanggap na official memorandum mula sa palasyo, ikinukonsidera na raw nila ang naging pahayag ng Pangulo kung saan sinabi nito na ibabalik na sa PNP ang war on drugs.
Hind aniya nila itinuturing na insulto ang hakbang na ito ng Pangulo, bagkus ay welcome pa sakanila ang desisyong ito dahil magiging katuwang na nilang muli ang PNP.
Ayon kay Carreon, hindi naman dahil inilipat na sa PNP ang war on drugs ay titigil na rin sila sa pagsasagawa ng operasyon. Mas maigi aniya na katuwang nila ang PNP, upang makapag-focus sila sa panghuhuli ng mga high value targets.