PDEA: Mahigit 27,000 na barangay sa bansa, ‘drug cleared’ na

Mahigit 27,000 barangay sa buong bansa ang idineklara nang ‘drug cleared’ mula nang manungkulan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong July 31,2023, nasa 27,553 ang idineklarang drug cleared.

Ito ay mula sa 42,045 barangay na nasa talaan ng PDEA na nasa impluwensya ng illegal drugs.


Nasa 7,975 naman ang patuloy na nililinis ng anti-drug law enforcement groups.

Kasunod na rin ito nang inilabas na certification ng oversight committee sa barangay drug-clearing program para sa drug-cleared status.

Sa pinakahuling datos ng PDEA, 57,474 ang inaresto sa 41,587 anti-illegal drugs operations mula Hulyo 1, 2022 hanggang Hulyo 31 ngayong taon.

Nasa 622 drug dens din ang binuwag at isang clandestine shabu laboratory ang sinira.

Nasa kabuuang P23.23 bilyon din na halaga ng illegal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad.

Facebook Comments