Sa kauna unahang pagkakataon, makikiisa sa taunang Brigada Eskwela program ang Philippine Drug Enforcement Agency simula bukas hanggang sabado.
Sa inilabas na direktiba ni PDEA Director General Aaron Aquino, inaatasan nito ang lahat ng PDEA Regional Offices na aktibong makiisa sa isang linggong aktibidad sa mga Public Elementary at Secondary Schools sa kani kanilang mga lugar.
Nagpahayag na ng kahandaan ang mga PDEA agents at iba pang tauhan ng ahensiya para magbigay ng tulong sa paglilinis ng mga Classrooms at School grounds gayundin sa pag repair at pagpipintura.
Naglaan na ng tig P5 Libo ang PDEA para sa 17 Regional Offices para ipambili ng mga kagamitan para sa magamit sa
paglilinis ng mga eskwelahan.
Tema ng Brigada Eskwela ngayong taon ay “Matatag na Bayan Para sa Maunlad na Paaralan”.