PDEA, makikiisa sa 2019 Brigada Eskwela

Sa kauna unahang pagkakataon, makikiisa sa taunang Brigada Eskwela program  ang Philippine Drug Enforcement Agency simula bukas hanggang sabado.

 

Sa inilabas na direktiba ni PDEA Director General Aaron  Aquino, inaatasan nito ang lahat ng PDEA Regional Offices na aktibong makiisa sa isang linggong aktibidad sa mga Public Elementary at Secondary Schools sa kani kanilang mga lugar.

 

Nagpahayag na ng kahandaan ang mga PDEA agents at iba pang tauhan ng ahensiya  para magbigay ng tulong sa paglilinis ng mga Classrooms  at School grounds gayundin sa pag repair at pagpipintura.


 

Naglaan na ng tig P5 Libo ang   PDEA para sa 17 Regional Offices para ipambili  ng mga kagamitan para sa magamit sa

paglilinis ng mga eskwelahan.

 

Tema ng  Brigada Eskwela ngayong taon  ay  “Matatag na Bayan Para sa Maunlad na Paaralan”.

Facebook Comments