PDEA, may secret weapon kahit kulang pa sa tao

Manila, Philippines – May pambawi ang PDEA sa kanilang kampanya kontra sindikato ng droga kahit kulang pa sila sa operatiba.

Hindi ito hadlang para makapuntos ang ahensya laban sa paglansag sa operasyon ng illegal drugs.

Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino, bagamat kulang sila ng mga operatiba malaki ang tulong ng kanilang mga impormat kung kaya’t nahuhuli nila ang mga malalaking sindikato ng droga tulad ng pagkakaaresto kay sa Filipino American na si Dennis Thienke, ang nagma-manufacture ng mga drug orgies.


Patuloy rin ang kanilang pagpapalakas ng operatiba sa pamamagitan ng tuloy tuloy na recruitment at pagsasailalim sa mga ito sa kaukulang training.

Facebook Comments