PDEA, may tugon sa pahayag ni P-Duterte na ibabalik sa PNP ang war on drugs

Manila, Philippines – “We are in Control of the Situation” ito ang tugon ni PDEA Director Aaron Aquino sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaring ibalik niya sa PNP ang kapangyarihan sa war on drugs kung makita niya na nagiging malala na naman na tumataas ang kriminilidad dahil sa bumabalik na naman sa bentahan ng droga ang sindikato ng droga.

Kahit aniya kulang pa sila ng ahente ay naging mas sunod-sunod ang kanilang huli ng mga high profile na tulak ng droga kabilang na ang African Drug Syndicate at ang nagpapakalat ng mga party drugs at ang pagkahuli ng ilang artista na sangkot sa droga.

Aminado si Aquino na hindi dapat maalis ang papel ng PNP sa war on drugs dahil sa kasalukuyan ay kulang pa sila ang ahente na sasabak sa war on drugs.


Idinagdag ni Aquino na kapag nagka usap sila ni pangulong Duterte, ipapaki-usap niya ang pangangailangan sa libong recruits sa PDEA bawat taon at pagdaragdag sa pondo ng ahensya.

Facebook Comments