PDEA, mayroon na rin narcolist ng mga hukom at piskal

May hawak na rin na listahan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng mga hukom at piskal na sangkot sa illegal na droga sa bansa.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, kasunod na rin ito ng mga nababasurang kaso na kanilang isinasampa laban sa mga nahuhuling drug suspect  kahit malinaw naman at matitibay ang kanilang ebidensya.

Aniya, nakakapagduda dahil laging dinadaan ng mga hukom at piskal sa technicalities ang mga isinasampa nilang kaso.


Sinabi pa ni Aquino na maliban sa walang death penalty ay nababayaran pa ang mga hukom at piskal kaya malakas ang loob ng mga dayuhang sangkot sa ilegal na droga na mag-operate sa bansa.

Facebook Comments