Magpupulong sa Oktubre 3 sina PDEA director Aaron Aquino, ilang senador at mga mahistrado ng Korte Suprema para pasimplehin ang proseso ng pagsira sa mga nakukumpiskang shabu.
Kasunod ito ng mungkahi ni Senate President Tito Sotto na dapat agaran nang winawasak ang mga illegal na droga na resulta ng mga anti drug operation. Ito ay upang maiwasan na mai recycle pa ang mga ito ng mga tinatawag na ninja cops.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Aquino na dapat munang baguhin ang ilang probisyon ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa ngayon aniya ay hindi na nasusunod ang 72 hours na pag inspection ng mga hukom sa mga drug storage sa kadahilanang walang panahon.
Dulot nito,hindi na rin nakakasunod ang PDEA sa 24 hours na pagsira sa mga illegal drugs pagkatapos iprisentang ebidensya sa korte.
Kabilang sa mga uupo sa pulong ay sina Senador Panfilo Lacson, Senate minority leader Franklin Drilon .