PDEA, naglatag ng mungkahi sa panukalang batas sa paggamit ng marijuana bilang gamot

Manila, Philippines – Nagbigay ng ilang rekomendasyon si PDEA Director General Aaron N. Aquino na maaaring makatulong sa panukalang batas sa paggamit ng marijuana para sa medikal na lunas.

Ayon kay Aquino, dapat ay malinaw ang mga depenisyon sa mga terminolohiya upang ilinaw na ang isasa-legal ay ang paggamit lamang ng capsule o tablet para sa cannabis component.

Dapat ay malinaw na nakasaad na ang anumang uri ng iligal na aktibidad tulad ng pagpapatubo, pagbebenta at distribusyon ng cannabis na hindi saklaw ng probisyon ay awtomatikong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Naniniwala ang ahensya sa pangangailangan ng pasyente na magkaroon ng access sa marijuana bilang panlunas sa sakit na napatunayan ng mga pag-aaral na ito ay epektibo.

Pero sa kasalukuyan, hangga’t hindi pa aniya naisasabatas ang House Bill No. 180 maghihigpit muna sa marijuana ang PDEA dahil sa ilalim ng batas pambansa ipinagbabawal ito.

Facebook Comments