Nagpatibay ang Philippine Drug Enforcement Agency ng three-pronged strategy sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Tinawag ito ni Director general Aaron Aquino na supplying reduction, demand reduction, at harm reduction.
Ani Aquino, dahil sa lawak na ng drug problem,kailangan na ng integrated at holistic approaches upang maramdaman ng publiko ang anti dug efforts ng gobyerno
Ani Aquino, maliban sa mas pinaigting na drug law enforcement efforts, tutukan ng PDEA ang pagpapababa sa bilang ng mga gumagamit ng droga sa pamamagitan ng anti-drug education at pagbibigay impormasyon sa publiko.
Kaakibat ng drug awareness, PDEA, titiyakin ng inter-agency committee on anti-illegal drugs ang rehabilitasyon ng mga drug users sa ilalim ng residential o community-based rehabilitation centers.
Matapos ang gamutan, isusunod na ang ikalawang yugto, ang pagsasailalim sa mga ito sa social rehabilitation phase kung saan bibigyan sila ng employment opportunities upang maibalik sa pagkalinga ng lipunan.
Mahalaga din na maiparamdam ang mga seebisyo at programa na magaahon sa kahirapan ng mga residente sa mga komunidad upang hind na sjla kumapit sa pagtutulak ng droga para sa kabuhayan.