Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa bansang Colombia hinggil sa bloke-bloke ng cocaine na natagpuan sa mga karagatan ng Pilipinas.
Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino, nakikipag-ugnayan na sila sa Food and Drug Administration (FDA) ng Amerika.
Matatandaang una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakapasok na sa Pilipinas ang Colobia Drug Cartel.
Kasabay nito, kinumpirma ni Aquino na sa Pilipinas lang nangyayari ang floating cocaine batay na rin sa kanilang imbestigasyon.
Facebook Comments