PDEA, namumroblema sa mga nabakanteng regional director

Manila, Philippines – Malaking hamon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung papaano mapupunan ang mga nabakanteng posisyon ng mga regional director na nailipat na ngayon sa Bureau of Customs.
Lumilitaw na labing dalawang regional director ang bitbit ni Isidro Lapena sa pagkatalaga niya sa BOC habang ang dalawa iba pa ay nasa floating status dahil sa kinakaharap na mga kaso.

Sa kasalukuyan, pawang mga nasa OIC capacity ang mga humahawak sa special enforcement agency, tactical operation center, sa PDEA Region 3 at iba pang rehiyon.

Lumalabas pa na ang mga itinalaga sa BOC ay sa PDEA pa rin sumusweldo.


Facebook Comments