PDEA, nanawagan sa publiko na huwag silang ikumpara sa PNP hinggil sa war on drugs

Manila, Philippines – Umapela sa publiko ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na huwag silang ikumpara sa Philippine National Police (PNP) kaugnay sa giyera ng kontra ilegal na droga.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, masaya siya sa paglalabas ng panibagong guidelines ng PNP sa mga operasyon kontra droga.

Sa naturang guidelines, kinakailangang kasama ang mga operatiba ng PDEA sa high-value drug operations ng pulisya.


Suportado rin ni Aquino ang patakaran ng PNP na kinakailangang isugod sa ospital ang mga suspek o otoridad na masusugatan sa engkwentro.

Facebook Comments