PDEA, nanindigang may double meaning ang kantang “amatz” ni Shanti Dope

Naninindigan pa rin ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na irekomenda ang pagbawal sa pagtugtog ng kantang “amatz” ng pinoy rapper na si Shantie Dope.

Ito’y dahil sa “double meaning” na tila hinihikayat ang mga kabataan na gumamit ng ilegal na droga.

Aminado si PDEA Director General Aaron Aquino, na nakakatanggap sila ng negatibong reaksyon dahil sa kanilang hakbang.


Giit ni Aquino, ang chorus ng kanta lamang ang tatatak sa isipan ng makikinig nito lalo na at isa itong rap.

Tinutukoy aniya ng lyrics ng kanta ang high effect ng marijuana.

Ang PDEA ay sumulat na sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB, organisasyon ng pilipinong mang-aawit na pigilan ang pag-ere ng awitin at pag-promote nito sa iba’t-ibang media stations sa bansa.

 

Facebook Comments