PDEA-NCR chief, sinibak; mga tauhan ng SPD, pinalitan

Tinanggal sa pwesto ang regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa National Capital Region (NCR) kasunod ng nangyaring buy-bust operation sa district office nito sa Taguig City.

Inalis na sa pwesto si Christian Frivaldo at pinalitan siya ni Emerson Rosales bilang bagong pinuno ng PDEA-NCR.

Ayon Kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, sinibak si Frivaldo dahil sa command responsibility.


Si Rosales ay director ng PDEA-Western Visayas bago ang pagkakatalaga niya bilang PDEA-NCR chief.

Kasabay nito, pinalitan din ang lahat ng mga tauhan ng PDEA Southern District Office dahil na rin sa pagkakahuli ng district director at tatlong tauhan nito.

Hindi naman binanggit ni Carreon kung ilang PDEA personnel ang pinalitan sa puwesto.

Nauna rito, inaresto noong Dec. 6 si SDO Director Enrique Lucero at ang mga PDEA agents na sina Anthony Vic Alabastro at Jaireh Llaguno, gayundin ang driver ni Lucero na si Mark Warren Mallo matapos silang makumpiskahan ng 1.35 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng PHP9.18 million.

Facebook Comments