PDEA, nilinaw na hindi ito caretaker o taguan ng mga drug test result

Nilinaw ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na hindi ito tagapangalaga ng mga drug test result na galing sa ibang drug testing facilities.

Ginawa ng PDEA ang pahayag kasunod ng pagsusumite sa PDEA ng kampo ni presidential aspirant Bongbong Marcos Jr., ng negative drug test result nito.

Sa isang statement, sinabi ng PDEA na tumatanggap lang ito ng mga aplikasyon para sa mga gustong mag-avail ng serbisyo ng drug laboratories.


Kinakailangan lang na may pormal na kahilingan o request ang sinumang concerned party at aprubado ng director general ng PDEA.

Mismong si dating Sen. Bongbong Marcos ang nag-anunsyo na kahapon ng alas-11 ng umaga nang sumalang siya sa drug test sa St. Luke’s Medical Center.

Kasunod naman ito ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang di niya pinangalanang presidential candidate ang gumagamit ng cocaine.

Ayon kay BBM, hindi siya nagpapaapekto o wala siyang pakiramdam na siya ang pinapatungkulan ng pangulo at sa katunayan, nanatili ang posisyon niya sa mas pinaigting na kampanya kontra droga.

Facebook Comments