PDEA, nilinaw na hindi lang sa kanila nagmula ang listahan ng mga narcopolitician

Manila, Philippines – Nilinaw ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na hindi lamang sa kanila nagmula ang listahan ng umano’y Narcopoliticians na ginawang batayan sa pagtanggal ng Police Powers sa 24 na opisyal ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay PDEA Chief Aaron Aquino, ang naturang listahan ay bunga ng inter-agency Validation Task Force.

Ito ay binubuo ng PDEA, Philippine National Police – Directorate for Intelligence, Intelligence Service ng Armed Forces at National intelligence Coordinating Agency.


Kasabay nito, pinapurihan ni Aquino ang hakbang ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagtanggal ng kapangyarihan sa pulisya sa mga opisyal na umano’y Narcopoliticians.

Tinanggalan ng National Police Commission (NAPOLCOM) ng police powers ang isang gobernador at 23 alkalde.

Facebook Comments