Manila, Philippines – Walang ni isang mga opisyales ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency na makapagsalita o makapagbigay impormasyon sa media kung mayroong koneksyon ang naarestong babaeng Bolivian national sa Triad o Drug Cartel dahil sa pagpupuslit na iligal na droga sa bansa.
Inaantabayanan ko pa dito sa PDEA Headquarters ang pagdating ng Bolivian National na si Maria Hinojosa Bazan.
Napag-alaman ng PDEA nakumpiska kagabi mula sa apat na winter jackets ni Bazan ang liquid substance na nagpositibo sa cocaine.
Matatandaan na inabangan ng mga otoridad sa NAIA si Bazan sakay ng Etopian Air.
Una nang ipinagbigay alam ng Interpol ang papadating sa NAIA 1 na Foreign National na may dalang iligal na kontabando.
Hindi pa makapagbigay ng impormasyon ang PDEA sa ngayon kung saan konektado ang dayuhan na naaresto dahil abalang-abala pa ang ahensiya sa pagdinig sa Kamara kaugnay sa nakumpiskang 6.4 billion pesos na halaga ng shabu.
Ayon kay Shela Valmoria PIO ng PDEA hindi pa sila makapagbigay ng impormasyon sa media kung saan konektado si Bazan at kung saan nito bahagi sa Pilipinas ibabagsak ang mga ilegal na droga na nakumpiska ng mga otoridad kagabi sa NAIA.