Nagpapaptuloy ang pagtunton ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga bodega ng Golden Triangle Drug Syndicate kasunod ng pagkakasamsam ng humigit-kumulang ₱200 million na halaga ng shabu sa mga lungsod ng Parañaque at Taguig City.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang mga nasasabat na shabu ay nanggagaling na nasabing grupo.
Sinabi ni Villanueva, mahalaga aniyang mahanap ang iba pa nilang bodega.
“Kung mayroon pang ganyan, definitely may bodega pa somewhere. That’s what we’re working on with the Philippine National Police,” dagdag ng PDEA Chief.
Nakikipagtulungan ang PDEA sa Bureau of Corrections (BuCor) para maberipika kung ang mga droga mula sa nasabing sindikato ang tangkang ilusot sa New Bilibid Prison.
Facebook Comments