PDEA, pinag-iingat ang publiko sa scammer na nagpapabayad sa pagkuha ng neuro exam at swab test sa kanilang tanggapan

Nagpalabas ng scammer alert ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Academy laban sa mga
social media fake account o pekeng email na naningil sa serbisyo ng ahensya.

Layon nito na mai-iwas ang mga aplikante ng PDEA laban sa mga nagpapakilalang taga-PDEA at naniningil sa pagkuha ng neuro psychological examination at ng bayad sa swab test sa kanilang tanggapan.

Nilinaw ng PDEA na ang tunay na email ng ahensiya ay ang pdeadeo1711@yahoo.com at hindi ang pdeadeo1711@gmail.com na ginagamit ng scammer.


Pinabulaanan din ng kagawaran ang Gmail account dahil Yahoo lang ang email ng PDEA Academy.

Kaugnay nito’y umapela ang PDEA sa makatatanggap ng text, calls at email na may kaakibat na paniningil ng bayad na kaagad tumawag sa kanilang Smart No.0948-506-7904 at Globe No.0977-364-1274.

Facebook Comments