Manila, Philippines – Bahalang magsolo ang Philippine Drug Enforcement Agency sa kampanya kontra iligal na droga kung kakayanin nila.
Ito ang reaksyon ni PNP Chief PDG Ronald Bato dela Rosa matapos ihayag ni incoming PDEA Director PRO3, Chief Superintendent Aaron Aquino na dapat ay ang PDEA lang ang bahala sa lahat ng anti-drug operations.
Paliwanag ni Aquino , masyado nang umaabuso ang ilang miyembro ng PNP sa war on drugs at ginagamit itong panakip sa kanilang mga iligal na gawain.
Sinabi naman ni PNP Chief imposible na kakayanin ng PDEA ng mag-isa ang laban kontra sa iligal na droga.
Ngayon pa nga lang daw na magkatulong ang PDEA at PNP sa kampanya kontra droga ay Hindi parin matapos-tapos ang problema, ano pa kaya kung PDEA lang ang mag-isa.
Kung gusto Aniya ni Aquino na solohin ang laban, hindi na kikilos ang PNP.
Pero nilinaw ni dela Rosa na ang PNP ay involved sa kampanya kontra droga dahil sa direktang atas ng pangulo, at kung ano ang sabihin ng Pangulo ay siya nilang susundin.