PDEA, pinamamadali na ang paglalagay ng kanilang opisina sa New Bilibid Prison

Manila, Philippines – Dahil sa pagkakakumpiska ng illegal na droga sa Correctional Institute for Women, pinamamadali na ng Philippine Drug Enforcement Agency ang paglalagay ng kanilang opisina sa New Bilibid prison.

Ayon kay PDEA director Aaron Aquino, layunin nila na mabantayan ang mga kritikal na aktibidad ng pagpupuslit ng illegal drugs sa mga selda.

Aniya, kung makapag set up sila ng tanggapan sa Bureau of Corrections mabilis lamang silang makapagsagawa ng Oplan greyhoud sa loob ng NBP.


Dahil sa hakbang, magkakaroon na ng standby canine dogs para sa biglaang pag iinspeksyon sa mga selda.

Idinagdag ni Aquino na pinaplantsa na lamang nila ang terms of engagements sa Memorandum of Agreement sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Maliban sa Bureau of Corrections, ganito rin ang balak ng PDEA sa Bureau of Customs upang mabigyan sila ng otoridad para sa sopresang pag inspection sa mga shipping vessel na dadaong sa mga pantalan ng bansa.

Nakita ng PDEA na kritikal ang mga pantalan sa gawing pagpupuslit ng droga. Tinukoy niya ang naiulusto na 6.4 billion na shabu sa BOC.

Facebook Comments