PDEA, posibleng humingi ng karagdagang pondo sa susunod na taon

Manila, Philippines – Posibleng humingi ng karagdagang pondo ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa susunod na taon para matugunan ang kanilang trabaho kontra sa iligal na droga sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, gagamitin ng PDEA ang pondo para makapag-recruit at makapagsanay ng mga bagong miyembro.
Nabatid na iminungkahi niya sa PDEA na humingi ng karagdagang pondo para magtalaga ng mga tauhan mula sa hanay ng mga pulis at military kasunod na din ng naunang pahayag ng ahensiya na kulang ang kanilang tauhan.
Dagdag ni Roque, bukod sa pagkakaroon ng karagdagang tauhan ay kailangan munang sumailalim ang mga ito sa maayos na training para masiguradong maayos ang mga isasagawang operasyon at mababawasan ang mga collateral damage.
Napansin kasi ng kalihim na karamihan sa mga kaso ng collateral damage ay kinasasangkutan ng mga bagong pulis na kulang pa sa training at eksperiyensiya

Facebook Comments