PDEA Region 2, Patuloy ang Validation Upang Maideklarang Drug Free at Drug Cleared ang Buong Rehiyon Dos!

*Cauayan City, Isabela-* Ikinatuwa ni PDEA Regional Director Emerson Rosales ang pagdedeklara sa ilang mga Barangay na sinasakupan ng Bayan ng Cabagan, Echague, Naguilian at Reina Mercedes maging dito sa Lungsod ng Cauayan bilang Drug Free at Drug Cleared Barangays.

Ayon kay PDEA Regional Director Rosales, hindi umano sila titigil sa pakikipagtulungan sa pwersa ng kapulisan at sa ibang mga ahensya upang masupil ang iligal na droga dito sa rehiyon na kadalasang nagiging sanhi ng mga krimen.

Nagagalak rin si PDEA Regional Director Rosales dahil sa ngayon ay bumaba na ang bilang ng mga nahuhuling sangkot sa iligal na droga.


Nananawagan ang nasabing opisyal sa iba pang sangkot sa iligal na droga na sumuko na lamang sa mga alagad ng batas at magbagong buhay na lamang upang hindi na mapanagot sa batas.

Facebook Comments