*Cauayan City, Isabela*- Target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-RO2) na tuluyan ng maideklara angLalawigan ng Isabela bilang ‘Drug Cleared’ sa buong rehiyon.
Ayon kay Regional Director Emerson Rosales ng PDEA-RO2, 32 bayan pa lang sa buong rehiyon dos ang naidedeklarang wala ng presensya ng iligal na droga pero umaasa ito na sa tulong ng taumbayan ay tuluyan ng mawawala ang iligal na droga.
Ayon pa sa direktor, mahigpit ang kanilang isasagawang validation hinggil sa mga sumbong may kaugnayan sa mga Ninja Cops o mga itinuturing na protektor ng droga sa ilang lugar sa rehiyon.
Samantala, patuloy pang inaalam ng kanilang tanggapan ang nangyaring pagkakarekober ng cocaine matapos maanod sa coastal area ng Divilacan, Isabela dahil batid nito na wala naming gumagamit ng cocaine sa rehiyon kaya’t posibleng sa ibang lugar pa ito nagmula bago mapadpad sa coastal area ng Isabela.
Iginiit pa ng direktor na dodoblehin nila ang paghihigpit upang matiyak ang kawalan ng droga sa rehiyon.