Sinimulan na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang research nito sa panukalang paggamit ng medical marijuana sa bansa.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino – ang pananaliksik ay maaaring gawing basehan ng mga mambabatas para maaprubahan at maisabatas ito.
Ang legalization ng medical marijuana ay naaprubahan ng Kamara nitong 17th Congress.
Sa ilalim ng panukala, papayagan ang paggamit ng marijuana para gamutin ang ilang chronic at debilitating medical conditions at magtatag ng medical cannabis compassionate center na mangangasiwa ng authorized selling ng marijuana sa mga kwalipikadong pasyente.
Pero una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagsasalegal ng marijuana ay hindi mangyayari sa ilalim ng kanyang termino.
Facebook Comments