PDEA, suportado ang pagbuhay sa death penalty

Buo ang suporta ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling buhayin ang parusang kamatayan para sa illegal drug activities sa bansa.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang mga sindikato ng droga kabilang ang mga nasa ibang bansa ay nagpuntahan na rito sa Pilipinas dahil sa kawalan ng capital punishment.

Dagdag pa ni Villanueva, nakapag-intercept sila ng drug transactions na ginawa ng convicted high-profile inmates habang sila ay nasa loob ng national penitentiaries.


Nakakahanap na aniya ang mga ito para makapag-communicate at makapagbigay ng utos sa iba pang sangkot sa illegal drug trade.

Ang paghahatol ng parusang kamatayan ay nakadepende sa bigat ng nakukumpiskang kontrabando.

Naniniwala si Villanueva na ang lethal injection ay maaari para sa big-time drug traffickers pero hindi sa street-level pushers.

Ang foreign at local drug offenders kabilang ang mga nagkakanlong na mapapatunayang guilty sa manufacturing, trafficking, at pagtutulak ng ilegal na droga ay maaaring patawan ng parusang kamatayan.

Facebook Comments