PDEA, tiniyak na hindi pahihinain ng pinakahuling pagkasawi ng isa nilang ahente ang kanilang war on drugs

Nagluluksa ngayon ang Philippine Drug Enforcement Agency dahil sa pagkasawi ng isa nilang ahente sa isang buy-bust operation  noong Martes sa bayan ng Ipil sa Zamboanga Sibugay province.

Sa isang kalatas pambalitaan, sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na hindi magdudulot ng panghihina sa morale ng buong pwersa ng ahensya ang pagkasawi ni Jack Roland Bastatas.

Ayon kay Aquino, bagamat nawalan sila ng isang kasangga, mananatili silang matatag at determinado na tapusin ang war on drugs hanggang sa tuluyang malansag ang apparatus ng sindikato ng droga.


Ani Aquino, isang butihing ama at anak si Bastatas bago siya sinawimpalad sa engkwentro.

Nasawi si Bastatas makarang pagbabarilin ng mga drug suspects na target ng buy bust ang sasakyan ng mga PDEA agents.

Sa naturang engkwentro, nasugatan ang isa sa kasama nilang pulis at napatay din ang tatlong drug suspect.

Facebook Comments