PDEA, tumangging kumpirmahin ang koneksyon di umano ni state prosecutor Darwin Cañete sa iligal na droga

Manila, Philippines – Tumanggi muna ang PDEA na kumpirmahin ang koneksyon sa iligal na droga ni state prosecutor Darwin Cañete.

Ayon kay Derrick Carreon, spokesperson ng PDEA, tanging isang subpoena galing sa Committee on Public Order and Dangerous Drug ang magmamando sa kanila na isapubliko ang drug watchlist.

Sa oras aniya na isinapubliko nila ang listahan, makakatakas sa kamay ng batas ang mga drug personalities.


Huwag aniyang ihambing ito sa ginagawa ng Pangulo na isinasapubliko ang narco-list.

Ito aniya ay natatanging exception sa rule na tanging ang pinuno ng bansa ang may taglay.

Ito ay maaring mangyari kung may mungkahi dito ang mga intelligence experts na dapat nang ipahiya ang mga drug suspects dahil hirap silang hulihin dahil nagtatago sa rule of law at sa mga mga human rights group.

Sa pagdinig sa Senado, tinanong ni Senator Franklin Drilon ang PDEA kung si Cañete ay nasa unang Narco-list ni President Duterte.

Si Cañete ay una nang binatikos dahil sa pagpalabas ng opinyon na nagsasabing sangkot sa droga ang napatay na si Kian Delos Santos.

Facebook Comments