PDEA, umapela sa DILG na magtayo ng mga community based reformatory centers para sa sumusukong drug addict sa bansa

Manila, Philippines – Hiniling na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagtatayo ng mga Community-Based Reformatory Centers para sa mga sumukong adik sa buong bansa.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na ang pagkaroon ng Reformatory Centers ay isang epektibong pamamaraan upang matiyak na hindi na bumalik sa dating gawain ang mga drug surrenderees.

Paliwanag pa ng opisyal na ang Reformatory Centers ay kahalintulad ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Centers subalit may pagkakaiba lang sa haba ng programa.


Ang mga programa ng Reintegration sa mga Reformatory Centers ay tatagal lang ng dalawa hanggang tatlong buwan, habang ang mga nasa hanay ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Centers ay may minimum na anim na buwan hanggang isang taon.

Ipinunto pa ni Aquino na ang pagtatayo ng Reformatory Centers sa grassroots level ay lalo pang magpapalakas sa Anti-Drug Campaign sa pagsagip sa mga sumusukong drug adik mula sa pagkalulong sa ipinagbabawal na droga.

Facebook Comments