Manila, Philippines – Wala pang balak ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na simulan na ang validation sa mga artistang na kabilang sa kanilang drug watchlist.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nasa 60,000 personalidad ang kanilang sa kanilang watchlist na bukod pa sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, ang prayoridad ng PDEA sa ngayon ay i-validate ang natitirang narco politician na hindi pa pinapangalanan ng Pangulo.
Sabi ni Aquino, mas nais na lang niyang magtrabaho ng tahimik at kasuhan na lang ang mga sangkot sa ilegal na droga kaysa pangalanan ang mga ito.
Tiwala naman si Aquino na bagaman hindi mapangalanan ay tiyak niyang mahuhuli rin ang mga artistang sangkot sa ilegal na droga.
Facebook Comments