PDEA, winasak ang P11.6 million halaga ng illegal drugs sa Davao del Norte

Manila, Philippines – Aabot sa mahigit labing isang milyong piso halaga ng dangerous drugs ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)sa Davao del Norte .

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino,aabot sa 962.90 grams ng shabu, 1212.10 grams ng marijuana, at 7.5 grams ng cocaine na may estimate value of Php 11,648,284.00 ang winasak sa pamamagitan ng pagsunog sa isang incinerator ng Mankilam, Tagum City, Davao del Norte.

Sinaksihan ito nina Provincial Governor Antonio Rafael del Rosario ng Davao del Norte, at Judge Sharon Rose Saracin, Presiding Judge, RTC Branch 30 ang isinagawang destruction ceremony sa mga illegal drug evidence na tinurn over sa kinauukulan bago naglabas ng kautusan ang korte na wasakin na mga naturang illegal na droga.


Sinabi ni Aquino na nagpapatuloy ang mga pagwasak ng illegal drugs upang hindi pag-isipan at pagdudahan ng publiko na ilan sa mga illegal na droga na ibidensya ay nare-recycled at bumabalik sa lansangan para ibenta.

Facebook Comments