PDEG, nakasamsam ng mahigit P3-M halaga ng ilegal na droga sa isang linggong operasyon

Nasabat ng mga operatiba ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) ang mahigit ₱3 milyong halaga ng ilegal na droga sa ikinasang anti-illegal drugs operations mula June 30 – July 6, 2025.

Ayon kay PDEG director PBGen. Edwin Quilates kabilang sa operasyon ang buy-busts, search warrant operations, at pagkaka-aresto ng wanted person.

Nagresulta ito sa pagkakakumpiska ng 442 gramo ng shabu at pagkaka-aresto ng 14 na drug suspek.

Kabilang sa mga nasakote ng PDEG ay 10 high-value individuals, street-level individual at iba pang wanted person.

Facebook Comments