PDL na nahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo, kabilang sa mga napalaya sa Bilibid kahapon

Isang babaeng PDL nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang kabilang sa 94 na mga persons deprived of liberty (PDL) na napalaya kahapon sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon kay alyas “Malou”, na-convict siya sa kasong illegal recruitment.

Aniya, 29 taon siyang nakulong bago nakalaya.


Isang pribadong abogado aniya ang nag-asikaso sa kanyang kaso.

Naniniwala rin si Malou na ang kanyang mabuting pag-ugali ang dahilan kung bakit siya napalaya ng maaga.

Sa datos ng Bureau of Corrections (BuCor), 784 PDLs na ang napalaya ngayong buwan.

10,000 PDLs ang target ng BuCor na mapalaya ngayong taon.

Facebook Comments