Nasa ilalim na ng safekeeping sa Office of the Shifting Unit ng New Bilibid Prison (NBP) ang isang lalaking nakulong dahil sa pagpatay na pumatay ng person deprived of liberty (PDL) sa loob mismo ng Maximum Security Compound ng pambansang piitan.
Kinilala ang suspek na si Mark Mengullo habang ang biktima ay si Romelito Dural, 50-anyos na taga-Brill St., West Bajac, Olongapo City, Zambales na nakulong noong March 18, 2017 dahil sa dalawang bilang ng kasong attempted homicide.
Dead on arrival si Dural sa NBP hospital dahil sa tinamong multiple stabbed wounds.
Base sa report, nagkaroon umano ng alitan ang dalawa at dito na pinagsasaksak ng suspek ang biktima.
Pagkatapos ng insidente ay agad naman umanong sumuko si Mengullo sa BuCor office habang ang ginamit sa insidente na improvised bladed weapon ay na-recover ng BuCor personnel sa kanal.
Sa panayam kay Mengullo, nagawa raw nito ang insidente dahil matagal na siyang binu-bully ni Dural.