PDLs, isasailalim muna sa COVID-19 testing bago dalhin sa mga detention facility sa QC

Nagpalabas ng executive order ang Quezon City Local Government Unit (LGU) na nag-aatas sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at sa Quezon City Police District na isailalim muna sa COVID-19 testing ang mga persons deprived of liberty (PDL) bago dalhin sa mga jail facilities sa lungsod.

Pinirmahan ni Mayor Joy Belmonte ang Executive Order No. 30 kasunod ng naitalang 19 cases ng COVID-19 sa mga detention facilities ng BJMP at QCPD.

Nakapaloob sa guidelines na pagkatapos mag-isyu ng commitment order ang korte, minamanduhan ang BJMP na agad makipag-ugnayan sa Quezon City Health Department para maiproseso ang COVID-19 testing at maihiwalay ang PDL sa isang quarantine facility.


Ayon kay Belmonte, sakop ng guidelines ang mga inaaresto ng mga otoridad sa kanilang Anti-Criminality Campaign.

Agad isasailalim ang mga ito sa mandatory medical exam. Kung kakailanganin nila ng COVID-19 testing, dapat magsabi agad ang the QCPD sa QCHD.

Hinimok din ni Belmonte ang BJMP at QCPD na magsagawa ng regular health monitoring ng PDLs na nasa kanilang kustodiya.

Facebook Comments