PDLs mula sa Women’s Correctional, negatibo na sa COVID-19

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na walong person deprived of liberty o PDLs mula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City ang naka-recover sa COVID-19.

Ayon kay Justice Spokesman Undersecretary Markk Perete, ang mga gumaling na PDLs ay nakatakdang ibalik sa CIW sa Mandaluyong subalit mananatili sila sa quarantine facility doon.

Sinabi ni Usec. Perete na papayagan lamang makabalik sa kanilang original stations ang walo kapag lumabas na negatibo ulit ang resulta ng ikalawang test ng mga ito.


Sa ngayon, mayroong 10,000 PCT test kits at 2,000 rapid test kits ang available para sa PDLs.

May 500 kama na rin ang magagamit para sa quarantine facility ng Women’s Correctional sa Mandaluyong.

Facebook Comments