PDLs sa Bilibid, pinagbabawalan munang lumabas ng kanilang mga dormitory

Kinumpirma ni Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar na bawal pa rin lumabas ng kanilang dormitoryo ang Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Ito ay dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 at dahil din sa sunod-sunod na riot ng mga gang sa Maximum Security Compound ng Bilibid.

Ayon kay Usec. Villar, ang mga otoridad lamang sa loob ng NBP ang siyang naglilibot para i-monitor ang kalagayan ng mga bilanggo.


Sa nangyaring riot kahapon sa pagitan ng Sputnik at Commando Gangs sa Bilibid, apat ang nasawi habang 64 ang nasugatan.

Inilipat na sa Ospital ng Muntinlupa mula sa NBP Hospital ang 20 PDLs na sugatan sa riot.

Habang ibinalik naman sa kanilang mga selda ang 43 PDLs na nagtamo lamang ng minor injuries.

Facebook Comments