
Labag sa House Rules at sa 1987 Philippine Constitution ang pagtanggi ng Office of the Secretary General ng Kamara na tanggapin ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon sa Partido Demokratiko Pilipino (PDP), sa ilalim ng Konstitusyon, ang House of Representatives ang may sole power sa pagsasagawa ng impeachment proceedings.
Tungkulin din anila ng Office of the Secretary General ng Kamara na tanggapin at i-record ang impeachment complaints na inihahain sa kapulungan.
Wala rin anilang discretion ang Secretary General na mag-reject, mag-screen, mag-delay, o magharang ng mga inihahaing reklamo.
Maituturing din anilang usurpation ng constitutional authority ng Kamara ang pagtanggi ng nasabing tanggapan sa pagtanggap sa complaint.
Ipinaalala rin ng Partido Demokratiko Pilipino na ang House of Representatives ay nakatayo para magsilbi sa tao at hindi para magtakip sa mga taong nasa poder na kinakailangang imbestigahan.










